Veteran broadcaster Dong Puno pumanaw sa edad na 76

PUMANAW na ang veteran broadcaster na si Ricardo “Dong” Puno sa edad na 76, ayon sa kanyang pamilya.

Namatay si Puno alas 12:15 ng madaling araw dahil sa lingering illness nito, ayon sa kanyang mga anak na sina Ricky at Donnie.

Si Puno, na isa ring abogado, ay dating senior vice president ng ABS-CBN News and Current Affairs, at host ng Dong Puno Live, Viewpoints at Insider.

Noong 2000, si Puno ay hinirang ni dating Pangulong Joseph Estrada bilang press secretary bago tumakbo sa Senado nang sumunod na taon. Natalo siya sa pagkasenador at bumalik sa pagiging broadcaster.