Transport strike pormal nang inihinto

INIHAYAG ni transport group Manibela president Mar Valbuena na pormal nang inihinto ang transport strike ngayong Miyerkules matapos ang pakikipagpulong sa Malacanang.

Sinabi ni Valbuena ito ang napagkasunduan matapos na ipatawag siya kasama si Piston president Mody Floranda.

Idinagdag ni Valbuena na panghahawakan nila ang ibinigay na pagtiyak ni Pangulong Bongbong Marcos na walang magiging phaseout mga tradisyunal na jeepney.

“Balik biyahe, walang phaseout,” sabi ng Manibela. Tatagal sana ng isang linggo ang tigil pasada na nagsimula noong Lunes.