Tatay binoga ng 13-anyos na anak dahil sa pangmomolestya

BINARIL ng 13-anyos na babae ang kanyang tatay nitong Biyernes sa bayan ng Cuenca sa Batangas dahil sa pangmomolestya.

Sa report ng pulisya, binaril ng bata ang kanyang 48-anyos na tatay gamit ang .45 kalibreng baril alas 2 ng hapon.

Dead on the spot ang lalaki dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo.

Naaresto rin ng pulisya ang suspek at kinalaunan ay sinabi na ginawa niya lamang ang pamamaril bilang ganti sa ama na di umano’y makailang ulit na humalay sa kanya.

Samantala, sinabi ng pulisya na isasailalim ang suspek at ang boyfriend nito sa paraffin test. Ayon sa pulisya ikinokonsidera rin ang boyfriend ng suspek bilang “person of interest”.