Taas pasahe epektibo ngayong araw

EPEKTIBO ngayong araw ang taas pasahe matapos itong aprubahan ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Office (LTFRB).

Iginiit naman ni LTFRB Chairperson Cheloy Garafil na hindi maipatutupad ang bagong singil sa pasahe kung walang fare matrix na nakasabit sa mga pampublikong transportasyon, partikular na sa mga jeepney.

Matatandaan noong Setyembre 16, inaprubahan ng LTFRB ang P12 na bagong minimum fare para sa tradisyunal na jeepney at P14 naman para sa modern jeepney.

Para sa mga ordinaryong bus, magiging P13 naman ang pasahe at P15 naman para sa mga aircon na bus.

Magiging P45 naman ang flagdown rate para sa taxi; samantalang para sa TNVS, P45 ang flagdown rate para sa sedan type; P55 flagdown rate para sa AUV-SUV type at P35 para sa hatchback type.