Taas, baba sa presyo ng petrolyo sa Martes

NAG-abiso na ang mga oil companies ng price adjustment para sa kanilang mga produkto sa Martes, Oktubre 17.

Sa anunsyo, magtataas ng 55 sentimo sa presyo ng kada litro ng gasolina habang may price rollback naman na 95 sentimo sa kada litro ng diesel at kerosene.


Sa abiso ng Caltex, sisimulan nito ang price adjustment alas 12:01 ng madaling araw habang alas-6 naman ng umaga mapapatupad na dagdag at bawas presyo ng Shell at Seaoil.

Noong isang linggo, nagpatupad ng price rollback ang mga kompanya ng langis ng P3.05 sa kada lito ng gasolina habang P2.45 naman sa diesel at P3 naman sa kerosene.

Last week, local oil companies cut the prices of petroleum products by P3.05 per liter for gasoline, P2.45 per liter for diesel, and P3 per liter for kerosene.