Super Lotto ticket nabili sa Laguna tumama ng P64.1M

NATUMBOK ng lotto bettor mula sa Laguna ang P64.1 milyong jackpot prize ng Super Lotto na binola Huwebes ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakuha ng nag-iisang tumaya mula sa bayan ng Lumban ang winning numbers na 19-10-08-24-20-13.

Maaaring kunin ng winner ang kanyang napanalunan sa PCSO main office sa Mandaluyong basta ipakita lamang ang ticket na kanyang natamaan at dalawang ID. May isang taon siya para kunin ang premyo.

Samantala, 117 mananaya naman ang tumama ng tig-P50,000 dahil nakuha ang lima sa anim na numero.

Ang Super Lotto ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.