Sid Lucero, 10 taon na nalulong sa droga

INAMIN ng aktor na si Sid Lucero na inabot ng 10 taon ang pagkagumon niya sa droga at nagbago lang siya nang magkaanak.


Sa isang panayam, isiniwalat ni Sid na marami siyang ginawa sa buhay na halos ikadiskaril ng kanyang trabaho.


“It’s known news naman that I have made some mistakes during my career.


I’ve played around with substances and all that. It’s old news,” pagbabahagi niya.


Ayon kay Sid, nagsimula siyang gumamit ng droga noong kanyang 20s.


Itinigil lang niya ito 10 taon na ang nakararaan nang isilang ang kanyang anak na babae.


“I’ve been working on it for the past 10 years na. So, not bad,” chika niya.


“The beginning of my journey to sobriety was 10 years ago when my daughter was born. It took about that long to get to where I am now,” dagdag niya.


Paliwanag pa ni Sid: “I had to fall in love the right way, I had to meet my daughter. Kinailangan kong i-realize that I’m not living for me anymore. “