Ria 3 months nang buntis–Cristy Fermin

ISINIWALAT ng veteran showbiz writer at host na si Cristy Fermin na tatlong buwan na umanong buntis si Ria Atayde sa first baby nila ng asawang si Zanjoe Marudo.


Sa kanyang programang “Cristy Ferminute,” pinayuhan ni Cristy sina Ria at Zanjoe at maging kanilang mga pamilya na itanggi o aminin ang balita.


“Tungkol po doon sa pagdadalang-tao ni Ria Atayde, mas maganda po kung diretso nating maririnig ang pag-amin mula sa mag-asawa o kaya ay sa kani-kanilang pamilya,” ani Cristy.


“Pero may source po kami na nagsabi na tatlong buwan na raw pong nagdadalang-tao ngayon si Ria Atayde na talaga namang ikinatutuwa ng magkabilang pamilya Marudo at Atayde,” dagdag niya.


Matatandaang lumutang na ang balitang buntis si Ria makaraan nilang ianunsyo ang kanilang engagement noong February.


Walang reaksyon mula sa dalawa pero itinanggi ito ng kapatid ni Ria na si Gela na sinabing na-diagnose ang ate niya na may Polycystic Ovary Syndrome (PCOS) kaya mahihirapan itong mabuntis agad.