Publiko pinagma-mask kahit sa loob ng bahay

SINUPORTAHAN ng Department of Interior and Local Government ang panawagan ng mga health experts na magsuot ng face mask kahit sa loob ng bahay upang mapigilan ang pagtaas ng kaso ng Covid-19.Hirit ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya: “Kung hindi po tayo sigurado na tayo’y hindi Covid-free, galing tayo sa labas, pagdating sa bahay ay mag-face mask tayo.”

Pinaalalahanan din niya ang publiko na kung galing sa labas ay maligo at magpalit ng damit bago humarap sa mga kapamilya.