Rendon tinanggalan ng TikTok

BANNED na sa TikTok and influencer na si Rendon Labador.

Maski si Rendon ay nagulat na lamang ng hindi niya mabuksan ang kanyang TikTok account.

“BURADO!!!❌❌❌ Binura na ni tiktok ang account ni Rendon Labador! 🤦‍♂️🤦‍♂️🤦‍♂️,” post ni Rendon sa kanyang Facebook page.

“Mali ba ang pag boboses para sa bayan at i-expose ang mga katangahan ng mga tao?🤦‍♂️ Pero yung mga content at tiktok account na puro kabastusan at kahayupan ay hinahayaan ninyo?

“SBP sana ma-inspire at ma-motivate kayo katulad ni tiktok na mabilis ang aksyon. Tanggalin ninyo na agad si Choke! Delete nyo na siya sa mundo ng basketball #ChokeResign,” sabi pa ng motivational speaker.