Presyo ng langis may bawas presyo

MAGPAPATUPAD ng bawas presyo ang mga kompanya ng langis kung saan aabot ng P1.10 kada litro ang ibababa sa presyo ng diesel.

Aabot naman sa 35 sentimo kada litro ang ibababa sa presyo ng gasolina at 45 sentimo naman sa kada litro sa presyo ng kerosene.

Noong isang linggo, umabot sa P2.70 kada litro ang itinaas ng presyo ng diesel, habang P2.90 naman sa kerosene at 80 sentimo sa gasolina.