Pamamahagi ng P15K ayuda sa rice retailers simula sa Sept. 9

SISIMULAN ngayong araw ang pamamahagi ng P15,000 ayuda sa mga maliliit na rice retailers, ayon sa Department of Social Welfare and Development.

Ang ayuda ay magmumula sa DSWD’s Sustainable Livelihood Program (SLP), ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian.

“Ang DSWD ay handang-handa na para mag-payout. Nandyan ang pondo at naitabi na namin,” ayon sa kalihim sa isang panayam sa radyo.

Sisimulan ang pamimigay ng ayuda sa mga public market sa Quezon City, Caloocan, Maynila at San Juan.