BUMIGAY ang Malacanang sa hinaing ng maraming public utility vehicles (PUV) drivers at operators na palawigin pa ang deadline para sa consolidation ng mga traditional jeepneys.
Iniurong ang deadline hanggang Abril 30, 2024, imbes na sa Peb. 1, gaya nang una nang desisyon ng gobyerno.
“President Ferdinand Marcos Jr. has approved Transport Secretary Jaime Bautista’s recommendation, granting an additional three months until April 30, 2024, for the consolidation of public utility vehicles,” ayon kay Presidential Communication Secretary Cheloy Garafil sa isang kalatas.
“This extension is to give an opportunity to those who expressed intention to consolidate but did not make the previous cut-off,” dagdag nito.
Noong Disyembre, ibinasura ni Marcos ang panawagan na palawigin pa ang itinakdang deadline na Dis. 31, para sa mga traditional PUVs na iconsolidate ang kanilang mga sasakyan sa korporasyon o kooperatiba.
Base sa deadline, papayagan na lamang makapag-operate ang mga hindi consolidated na PUVs at UV hanggang Enero 31, 2024.
Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board reported na 145,721 units lang o 76 porsyento ng mga PUVs at utility vehicle (UV) ang nakapagpa-consolidate.