P5/L rollback sa gasolina; P2/L sa diesel

INIHAYAG ng mga kompanya ng langis na bababa ang preso ng gasolina ng P5 kada litro epektibo Martes, Hulyo 2022.

Samantala, may bawas presyo rin sa diesel kung saan aabot ito ng P2 kada litro.

May bahagyang pagbaba rin sa presyo ng kerosene na aabot sa P0.70 kada litro.

Ito na ang ikatlong linggo na nagpatupad ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo.