P4.95 taas sa presyo ng kada 11-kg. tangke ng LPG

MEDYO panibagong pagtitipid na naman ang kailangan ngayong buwan dahil magtataas ng 45 sentimo ang kada kilo ng cooking gas.

Nangangahulugan na aabo sa P4.95 ang itataas sa presyo ng kada 11-kilogram na tangke ng liquefied petroelum gas, ayon sa advisory ng Petron Corp at Solane.

Wala namang pagtaas sa presyo ng autoLPG.