UMABOT ng P10.41 bilyon halaga ng ilegal na droga ang nakumpisak sa buong taon ng 2023 habang 27,000 barangay naman ang sinasabing “na-clear” mula sa ipinagbabawal na gamot, ayon sa Malacanang nitong Huwebes.
Ayon sa Palasyo, ang tagumpay ng mga operasyon laban sa ilegal na droga ay bunsod sa “renewed, holistic approach” laban sa ipinagbabawal na gamot ng administrasyon ni Pangulong Bonbong Marcos.
Isa sa sinasabing dahilan ng tagumpay ay ang kahalagahan ng rehabilitasyon.
“The Marcos administration had reported confiscating around P10.41 billion worth of illegal drugs from January to December 2023 and cleared more than 27,000 barangays of narcotics under President Ferdinand R. Marcos Jr.’s new approach to address the menace,” ayon sa isang kalatas ng Presidential Communications Office.
Ayon sa tala, 56,495 suspects ang inaresto sa 44,000 operasyon na ikinasa ng pulisya.
Sinasabi rin na 447 munisipalidad at 43 syudad ang nagbuo ng kani-kanilang mga drug rehabilitation programs.