Jiro ibinibenta trophy ng P500K; binili lang ng P75K

IPINAGBILI kamakailan ng dating child actor na si Jiro Manio ang kanyang Best Actor trophy mula sa Gawad Urian kay Boss Toyo ng Pinoy Pawnstar.

Mula sa P500,000 na presyo niya sa trophy ay kinagat ni Jiro ang P75,000 na huling offer ni Boss Toyo.

Medyo nagulat pa si Boss Toyo nang presyuhan ni Jiro ang trophy ng kalahating milyon.

“Five hundred thousand? Hmmm five hundred thousand. Sa personal walang masama sa five hundred thousand pesos pinaghirapan mo ‘yon nung time na ‘yan,” ani Boss Toyo.

“Ang balik lang dito ‘yung sa amin. Paano namin siya madye-generate kasi negosyo, e business kung baga. Kung bibilhin ko ba ‘to ng five hundred, would there be any potential buyer ba in the next few years? Yun ang lagi kong iniisip,” dagdag niya.

Nagtawaran ang dalawa mula P100,000 hanggang umabot ang huling turing ni Boss Toyo sa P75,000. Pumayag na rin si Jiro sa presyo.

Napagwagian ni Jiro ang nasabing award noong 2004 para sa pelikulang “Magnifico.”