Nanggulping anak ng kongresista tinuluyan ng sekyu

KINASUHAN na ng security guard ang anak ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves na umano’y nambugbog sa kanya sa BF Homes Subdivision sa Paranaque City kamakailan.

Isinampa ni ang reklamong grave threats at paglabag sa Omnibus Election Code ng security guard na si Jomar Pajares laban sa anak ni Teves na si Kurt Matthew sa city prosecutor’s office nitong Marso 30.

Matatandaan na nag-trending sa social media ang video nang panggugulpi ni Teves kay Pajares sa harapan ng gate ng BF Homes sa Paranaque matapos hindi payagan ng guwardiya na papasukin ang sasakyan ng anak ng kongresista dahil wala itong sticker.

Matapos kumalat ang video at pagbatikos kay Teves, humingi ito ng tawad at nagbitiw rin sa kanyang posisyon bilang barangay chairman ng Bayawan City sa Negros Oriental.