PINAKILIG ng magkasintahang Ruru Madrid at Bianca Umali ang netizens sa palitan nila ng mensahe sa kanilang 70th monthsary nitong Sabado.
Ibinahagi ni Ruru sa Instagram ang sweet photo nila ni Bianca na nilakipan niya ng pangako.
“Seventy months of love, laughter, and endless adventures together. Mahal, your love and support mean the world to me. Thank you for choosing to love me every day. At pangako ko na ikaw lang ang pipiliin ko sa araw-araw, pangako ‘yan. Here’s to a lifetime of love and countless memories with you, my forever and always.”
Sagot naman ni Bianca: “Sa araw-araw ng habang buhay minahal, mahal na mahal at mamahalin kita, Ruru, mahal ko.”