INILAGAY ang Metro Manila, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon, sa red warning dahil sa patuloy na pananalasa ng bagyong Paeng, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Alas-12:26 ng hapon, makararanas ang National Capital Region at iba pang lugar na nasa heavy rainfall warning ng matitinding mga pagbaha.
Samantala, nasa orange warning naman ang Cavite kung saan nagbabanta ang mga pagbaha.
Nasa yellow warning din ang ang Bulacan na posibleng makaranas ng mga pagbaha ang mga flood-prone areas.
Nakararanas naman ng light to moderate with occasional heavy rains ang Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bataan at Pampanga.