ASAHAN na magiging mas mainit na ang panahon sa mga susunod na araw, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dahil sa pagpasok ng tag-init.
Ayon sa PAGASA, posibleng umakyat sa 34 degrees Celsius ang temperature sa Metro Manila sa susunod na apat hanggang limang araw.
“Ang posibleng temperature nating maranasan sa next three to five days ay pwedeng umabot ng 34 degrees Celsius. Asahan natin na ito ang trend na ating inaasahaan sa susunod na mga linggo habang nagsisimula na ang ating dry season o tag-init,” sabi ng weather specialist na si Daniel James Villamil.
Sinabi pa ni Villamil na asahan din ang mas mataas na heat index o ang temperatura na nararamdaman sa katawan ng tao.