1 pang suspek sa Degamo slay sumuko

INIHAYAG ni Interior Secretary Benhur Abalos na isa pang suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo ang sumuko sa pulisya.

“We welcome the report of the surrender of at least one other suspect who is now under the custody of the AFP, and who will be turned over to the NBI, inuulit ko may magandang pangyayari, na kung saan may roong isang nag-surrender, na part ito ng team doon sa pagpaslang kay Degamo,” sabi ni Abalos.

Idinagdag ni Abalos na sinusuportahan ng testimonya ng sumukong testigo ang naunang pahayag ng apat na naarestong suspek.

“Ang masasabi lang natin, he is part of the team, ng grupo,” dagdag ni Abalos.

Tumanggi naman siyang magkomento sa isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng pagkakaugay ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. sa pagpatay kay Degamo.