Mahigit 40 Pinoy sa Ukraine naghihintay mailikas – DFA

SINABI Department of Foreign Affairs (DFA) na mahigit 40 Pinoy na nailigtas mula sa Kyiv, Lviv ang naghihintay na ng repatriation.

Idinagdag ng Philippine Ambassador to Warsaw Leah Basinang-Ruiz na inaayos na ang pagpapauwi sa mga apektadong Pinoy kung saan tatawid sila ng Poland.

Patuloy ang armed conflict sa Ukraine ngayon na nasa ika-apat na araw na ng pagsakop ng Russia sa nasabing bansa.

“The Philippine Embassy in cooperation with DFA-OUMWA, is committed to assisting the remaining Filipinos in Kyiv and in other parts of Ukraine in order to bring them out of harm’s way while there is still time,” sabi ni Basinang-Ruiz.