‘Love the Philippines’ tuloy lang –DOT

TULOY lang at walang balak na ibasura ng Department of Tourism (DOT) ang kampanya nitong “Love the Philippines” kahit pa inulan ito ng batikos.

“I think that is evident,” sagot ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco nang matanong sa sidelines ng 2022 Philippine Tourism Satellite Accounts and Tourism Statistics Dissemination Forum nitong Miyerkules kung itutuloy pa rin ng DOT ang nasabing kontrobersyal na campaign slogan.

Sa kanyang speech, lantarang naka-display sa likuran nito ang logo, bagamat walang binanggit hinggil sa kontrobersyal na video dahilan para sibakin ang kinontratang DDB Philippines na may gawa ng kapalpakan.

Nauna nang nanawagan si Senador Nancy Binay na huwag nang ipilit ang nasabing kontrobersyal na tourism slogan.