‘Kaya mo yan madam’

GANITO ang kwelang pampalakas-loob ng mister kay Yasmien Kurdi nang isilang nito ang kanilang ikalawang baby.

Ibinahagi ni Rey Soldevilla sa Instagram ang photo nilang mag-asawa sa ospital kung saan dinala ang nagle-labor na aktres.

“Parang mauuna na ito sa #LaborDay! Kaya mo yan madame, Luv u 😘,” ani Rey sa caption.

Bago ito ibinunyag ni Yasmien na baby girl ang bagong miyembro ng kanilang pamilya.

“I really want to have a #NormalDelivery. Kahit naman sa 1st pregnancy ko. Naalala ko di pa nga ako nagpa-epidural para sana ma achieve ko, pero kasi nag fetal distress na ang baby… I’m hoping this time na magawa ko, at sana pumasa ako sa mga series of tests for VBAC – short for Vaginal Birth After CS,” sabi ng aktres sa IG post.