Kagawad na-depressed, tumalon sa flyover

kagawad nagpakamatay

ISANG barangay kagawad ang inatake ng matinding depresyon ang tumalon sa flyover ng Ramon Magsaysay Boulevard sa Sta. Mesa, Maynila Martes.

Nasawi ang kagawad habang nilalapatan nang lunas sa Jose Reyes Medical Center (JRMMC).  Siya ay opisyal ng barangay 416 sa Sampaloc, Maynila.

Ayon sa pulisya, nagkitil ang kagawad alas-6 ng umaga nang makita itong nahulog mula sa railing ng flyover at bumagsak sa bubungan ng isang supermarket.

Ayon sa misis ng biktima, simula Enero ngayong taon ay matinding depresyon na umano ang dinaranas ng mister.  Ilang beses na rin umano itong nagtangkang magpakamatay.