IATF di bubuwagin –Palasyo

IATF di bubuwagin

IBINASURA ng Malacañang ang panawagan ng ilang senador na buwagin na ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases at sinabing namumulitika lamang ang mga mambabatas.

“Kapag panahon na talaga ng eleksyon, lahat ginagawan ng isyu. Hindi natin made-deny iyan,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque. Hirit ni Roque, binubuo ang IATF ng mga pinuno ng lahat ng mga ahensya ng gobyerno.

“Pinagtipun-tipon natin sila para one nation, one government approach ang kasagutan natin sa IATF,” aniya.