Julia ipinagluto si Coco ng kaldereta

IBINAHAGI ng aktres na si Julia Montes sa Instagram ang mga larawan ng niluto niyang kaldereta.

Caption ni Julia: “Cooking is one of the great gifts you can gift to those you love. #readyfordinner.”

Hindi naman binanggit ni Julia kung sino ang pinatutungkulan niyang “love” bagaman may ideya ang netizens kung sino ito.

“Mukhang napakasarap naman talaga yan fav n boss coco m yan?”

“Wow sarap naman ng ulam ni Coco.”

“Nakakatakam kaldereta ni Coco.”

“Coco excited ka na ba tumikim ng kaldereta ni Julia.”

Isang fan naman ni Julia ang naimbyerna kay Coco dahil ginawa na lang umanong cook ang aktres kaya hindi na ito active sa movies.

Sinalag ito ng isa pang fan na sinabing choice ni Julia na magluto kahit may mga kasambahay sila.

Matatandaan na nagtapos ng culinary course si Julia sa Center of Culinary Arts Manila noong 2015.

Sa kasagsagan ng pandemic noong 2020, kumuha ng online classes sa Southville International School and Colleges para sa kursong Business Administration ang aktres dahil plano niya umanong magtayo ng restaurant.