Jay Sonza inaresto, kulong sa kasong illegal recruitment

ISINAPUBLIKO ni ABS-CBN reporter na si Niko Baua ang larawan ng dating broadcaster na si Jay Sonza bago ito ilipat sa Quezon City Jail mula sa NBI detention center.

Ayon sa ulat, dinakip ng mga elemento ng Bureau of Immigration si Sonza dalawang linggo na ang nakararaan dahil sa kasong estafa.

Patungo si Sonza sa Hong Kong nang harangin ito sa airport.

Habang nakadetine si Sonza ay nadiskubre ng mga opisyal na mayroong arrest warrant laban dito para naman sa kasong syndicated and large scale illegal recruitment.

Walang piyansa ang nasabing kaso, na dinidinig sa Quezon City court.

Agad namang nai-turn over sa NBI detention center si Sonza bago inilipat sa QC Jail.