Sarah, Mommy Divine bati na

KINUMPIRMA ni Pop Star Royalty Sarah Geronimo na nag-uusap na sila ng ina niyang si Divine.


Sa panayam ni Dyan Castillejo, masayang ibinalita ni Sarah na binati siya ni Mommy Divine dahil sa mga awards na natanggap niya kamakailan.


“Yes! Thank you Lord. I love you, Ma!” sey ni Sarah nang tanungin kung nagkaayos na sila ni Divine.
“Love you ‘Ma. We love our moms,” segunda ng mister ni Sarah na si Matteo Guidicelli.


Kamakailan ay pinarangalan si Sarah bilang Woman of the Year ng Billboard Philippines.


Bago ito, siya ang naging unang Pinay na ginawaran ng Global Force award sa Billboard Women in Music event sa Los Angeles, California.


Sa nasabing okasyon, inalay ni Sarah ang award sa ina na tinawag niya na “hero.”


“Totoo naman mga mommies po natin ang heroes natin. Our parents ang heroes natin,” aniya sa interview.