RICA PERALEJO NANGGIGIL SA BASHER: YABANG, JUDGMENTAL MO!

NILITANYAHAN ng actress/vlogger na si Rica Peralejo ang netizen na nam-bash sa kanya dahil iba raw ang pagkain na sine-serve niya sa kanyang pamilya doon sa ipinapakain niya sa kanilang mga kasambahay.


‘Minsan aliw na aliw din ako sa mga nag-cocomment sakin kasi sila na mismo ang nagpapahiya sa mga sarili nila,” unang banat ni Rica sa post niya sa IG.


“At tumatagas ang kanilang kayabangan at pagka-judgmental na hindi nila namamalayan. FYI MADAM, kaya kami magkahiwalay ng pagkain is precisely because hindi niya type pagkain namin. Sa brown rice pa lang natawa na siya kasi gusto niya puti,” paliwanag ni Rica na halatang naiirita.


Bahagi ito ng sagot ng aktres sa netizen na nagsabi na noong mapanood niya ang vlog ni Rica na nakahiwalay ang pagkain ng kasambahay ay nadismaya ito.


“Family daw ang trato susme! Miss Rica, tatlo naging kasama namin sa bahay pero I swear, mas masasarap pa pinapa-order o pagkain nila sakin!” sabi pa ng basher.
Sinopla naman ito ni Rica na inilarawan itong isang hambog.


“Minsan gusto ko talagang sabihin sa mga nag-cocomment sakin na nagaangat ng sarili nilang bangko para maibagsak lang ako kung pwede ko ba silang paimbestigahan ng makita ko na wala talaga silang kapintasan,” sey pa niya.
Hindi doon natapos ang pagtalak ng aktres.


“Teka pala true story… There was a time mas gusto ng anak ko pagkain ng helper namin kasi um-OA yata ako sa pa-healthy wala na lasa yung kinakain namin. Actually kakabili ko lang ng sarili niyang kanin. Puti na din.”


At ang message niya sa basher: “IKAW NA ATE! Ikaw na! Sana masaya ka na, may nanalo na.”