Inah Estrada ka-live in ni Jake Vargas

MAGKA-LIVE in ang anak nina Janice de Belen at John Estrada na si Inah de Belen Estrada at Kapuso actor na si Jake Vargas.

Sa isang panayam, inihayag ni Inah na magpapakasal sila ni Jake kapag nakaipon na sila.

“Ayoko naman din na mangyari if ever I get pregnant or we got married na magkakapaan pa kami. At least ngayon, we’ve been living together for almost two years na. So, alam na namin ‘yung ugali ng isa’t isa,” paliwanag niya.

Dagdag ni Inah, nasa tamang edad na sila ni Jake.

Siya ay 31 habang 32 si Jake. Itinanggi naman ng panganay na anak ni Janice na mayroon na silang baby ng partner.