Ikaw na ang malupet: 75-anyos nag-dive sa ilog

KINABILIBAN ng publiko ang 75-anyos na lola na si Manang Teting ng Alegria, Cebu, dahil sa lakas nito sa kabila ng edad ay kayang-kaya pang mag-dive at lumangoy.

Sa video na ibinahagi ng ph.juantravels, makikita si Manang Teting na inaakyat ang madulas na bato bago tumalon sa ilog.

Nang lumutang sa tubig, isang “ngiti ng tagumpay” ang gumuhit sa kanyang mga labi.

“Bagsik pa ni nanay umakyat oh.”

“Daig pa ako ni lola.”

“Ang lopit n nanay auh. diver cgro to dati.”

“Napasigaw ako ng wow!”

“Grabe! I wanna live like this long na kaseng lakas niya parin.”