Heat index sa San Jose, Occidental Mindoro umabot sa 53°C

UMABOT ng 53 degrees Celsius ang heat index sa San Jose, Occidental Mindoro ngayong Miyerkules, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Administration (PAGASA).

Sinabi ng PAGASA na naitala ang pinakamataas na heat index alas-12 ng tanghali.

Ito na ang pinakamataas na heat index na naitala sa bansa mula noong Marso 1 hanggang Mayo 24, 2023.

Ayon sa weather bureau, maituturing nang extreme danger ang heat index na aabot sa 52 degrees Celsius pataas kung saan maaaring maranasan ang heat stroke.