Jason lumuhod, nag-iiyak kay Moira

SINAGOT ni Jason Hernadez ang panunumbat ng kapatid ng kanyang ex-wife na si Moira dela Torre kaugnay sa paggamit niya ng clips sa kanilang kasal para sa music video ng kanyang bagong kanta na “Ikaw Pa Rin.”

Hanash ng kapatid ni Moira na si J’mee Dela Torrevidro sa bayaw:

“Nakakatawa ‘yung buong song, especially ‘yung part na ‘naghihintay pa rin hanggang ngayon sa ikaw at ako.’ Kasi parang sa buong year never ka naman nag-effort sa ate ko???

“Naiirita lang ako kasi ang layo talaga ng mga pinagsasabi mo sa lyrics ng kanta mo.

“Why do you need to manipulate people into thinking that you still love and miss her? Like WTF?

“Tapos ginamit pa ‘yung video clips from the wedding, concerts and the Tagpuan MV–WITHOUT my ate’s permission? lMAO forda clout chasing. Amp!”

Hindi naman nagpatinag si Jason at inilabas ang mga resibo na:

1. Alam, napakinggan at nagustuhan ni J’Mee ang kanta nang iparinig niya ito rito noong isang taon;

2. Paulit-ulit siyang umiyak at lumuhod kay Moira para mapatawad siya nito; at

3. Inamin niyang mahal at nami-miss niya si Moira, na nakausap lang niya sa telepono tatlong linggo pa lang ang nakararaan.