Half-sisters Grace and Lovi Poe may ‘special bond’

MARAMI ang hindi nakakaalam na close pala ang mga anak ng King of Philippine movies na si Fernando Poe Jr. — na sina Senador Grace Poe at si Lovi Poe na recently lang ay ikinasal sa kanyang British na kasintahan.

At sa naging special day ni Lovi ay naroroon ang kanyang ateng senador.

Kaya nga nitong nakaraang mga araw, nagpahayag ng kanyang paghanga at pagmamahal ang aktres sa kanyang ate na nag-celebrate recently ng kanyang ika-55 birthday.

Sa kanyang Instagram stories, ipinagmalaki ni Lovi ang kanyang ate na hindi lang basta pinangalanang “Grace” nang walang dahilan. May kalakip itong larawan ng senadora na naka-gown nang dumalo sa kasal ng aktres at ang mainit nilang pagyayakapan.

Senator Grace Poe and Lovi Poe (Photo: Lovi Poe’s IG Story)

“She has always been someone worth emulating. She’s not named Grace for nothing, and I can’t believe that, that someone is my sister (red heart emoji),” post ni Lovi.

“Today I celebrate the day you were born. I could only wish to even be half as loving and as graceful as you are. Always love you (red heart emoji).”

Sa industriya ng showbiz ay hindi batid ng marami na may ganito palang ugnayan ang mga anak ni Da King.