Gibo bagong DND chief; Herbosa DOH Sec

MATAPOS umugong na napipintong pagtatalaga ni Pangulong Bongbong Marcos, pormal nang inihayag ng Palasyo ang pagkakahirang kay dating Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro sa kaparehong posisyon at si Dr. Teodoro Herbosa bilang bagong Secretary ng Department of Health (DOH).

Nauna nang nanilbihan bilang DND Secretary si Teodoro sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Nagsilbi naman si Herbosa bilang Special Adviser to the National Task Force Against Covid-19. Inihayag ang pagkakatalaga kina Teodoro at Herbosa matapos na makipagpulong si Marcos kina Tedoro at DND Senior Undersecretary Carlito Galvez, at kina Herbosa at Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire sa Palasyo.