‘Eat Bulaga’ trending; inokray ng netizens

ISA ka rin ba sa nainis at naasar sa pagbubukas ng bagong “Eat Bulaga”?

Sa daan-daan na nag-tweet ukol sa live airing ng #EatBulaga ngayong araw, mabibilang sa daliri ang nagustuhan ang mga bagong host at format ng longest-running variety show sa bansa.

Ayon sa netizens, “weird” ang pakiramdam na makita sa TV screen sina Paolo Contis, Betong Sumaya at Buboy Villar, Alexa Miro, Cassy Legaspi, at Mavy Legaspi imbes na sina Tito at Vic Sotto, Joey de Leon, JoWaPao at Maine Mendoza.

“Ang ganda ng #EatBulaga ngayon kuhang kuha yung inis ko.”

“The moment na lumabas si Paolo Contis sa Eat Bulaga, pinatay agad namin TV. waley na talaga.”

“Di na nakatiis yung tatay ko, nilipat na niya yung channel.”

“NANANAHIMIK NA LOLA KO SA KABILANG BUHAY BIGLANG NAPATAYO PARA LANG PATAYIN ANG TV ANG KORNI DAW NG BAGONG HOST NG #EatBulaga.”

“Makakatulog na din sa tanghali mga bata samin salamat #fakebulaga sa paglitaw, makakatipid na din sa kuryente.”

“Lipat muna its showtime. Hindi ko masikmura kakornihan ng mga toh. #EatBulaga.”

“Parang nasa peryahan yung mga bagong hosts ng eat bulaga. Hahaha.”

“Nagtagumpay kayo nakumpleto nyo ang inis ko.”