Francine Garcia nag-sorry sa Singson family

NILINAW ng trans beauty queen na si Francine Garcia na walang namamagitan sa kanila ng Singson scion na si Luis Christian.

Aniya, magkaibigan lang sila ng binata at sa katunayan ay mayroon na itong girlfriend.

Dagdag niya, hiyang-hiya siya kay Luis Christian at sa pamilya nito na “nagugulo sa issue which was taken out of context and purely just for the content.”

Narito ang pahayag ni Francine na ipinost niya sa kanyang Facebook page ngayong araw ng Huwebes, September 21.

“Para matapos ang issue samen ni Luis Christian Singson, it just so happen na I was in Laoag to fix some important things, and nag drop by sa Vigan over night para sa endorsement the following day.

“Luis happened to be in Vigan as well and normal sa FRIENDS na pag nagkataon na nasa iisang lugar eh magkita and kwentuhan.

“That’s why when Luis invited me and QUEEN DURA sa Sulvec to do a content and vlog, nag LIVE pa kame and dun palang kitang kita naman na wala naman something samen.

“Initially it was just Luis and QD, since naalala ko na meron kame episode nung May, I asked if okay kaya na gawan ng part 2, since yung 1st episode naman eh hindi nabigyan ng malisya. Tho I must admit that the “caption” was too much and hindi masyado na gets na it was for clout lang. The photos were meant for click bait para abangan ang kasunod na video na ipopost ko for the series, but when I posted the teaser (photo) ng #PakiligWithFG nakakatuwa na madami nagshshare, ang HINDI MAGANDA eh yung BINIGYAN NG KULAY AT GINAWANG PARANG TOTOO sa mga pinagtagpi tagping kwento ng ibang pages, na kesyo nung Sept 1 eh nag announce ng ‘In a new relationship’ nakakahiya sa GF nung tao, na hindi naman showbiz to understand yung mga nangyayari and YES TAKEN NA SYA!

“So my apologies to the family, especially kay Luis na nagugulo sa issue which was taken out of context and purely just for the CONTENT.

“For the record napaka welcoming nila lalo na si Luis na sobrang comfortable sa mga LGBT and napakabait samen when we first went sa Sulvec juskopo, kaya nakakahiya na kung sino sino nadadamay!”