Ex-President Duterte inip na inip sa pagiging private citizen

IBINUNYAG ni Sen. Christopher Bong Go na nainiip na si dating Pangulong Duterte sa pagiging pribadong mamamayan.

Sinabi ni Go na nais pa ring maglingkod ni Duterte sa publiko kahit sa huling araw ng kanyang panunungkulan.

“Ok naman po siya. He is enjoying his retirement, at the same time, bored talaga,” sinabi ni Go.

“‘Pag ikaw, nasanay ‘yung katawan mo sa pagtatrabaho, hahanapin at hahanapin mo talaga ang pagseserbisyo mo sa kapwa,” dagdag pa niya.

Patuloy naman umano ang pagtulong ni Duterte sa mga Pilipino habang siya ay nasa kanyang tahanan sa Davao City.

“Mahal niya po ang ating kapwa Pilipino at nandiyan na sa kanyang katawan at puso ‘yung pagseserbisyo at pagmamahal,” ayon kay Go.