KUNG ang ilang opisyal sa Cebu ang masusunod, dapat tumakbo si Pangulong Duterte sa pagkabise presidente sa 2022 elections upang maipagpatuloy ang “socio-economic agenda” ng pamahalaan.Lumagda sa isang manifesto ang dalawang kongresista, 18 alkalde, tatlong bise alkalde, tatlong provincial board members, at dalawang water district board of directors.
Sinabi ni Presidential Assistant for the Visayas Michael Dino na pababayaan ang Pangulo na pumili ng kanyang running mate.“What I know he wants Senator Bong Go to run for president. Whoever is his choice, we will support the President. We will fully support his choice and the tandem,” aniya.