Kaso vs LGUs na mahigpit sa turista

KAKASUHAN ng Department of the Interior and Local Government ang mga local government units na susuway sa pinaluwag na travel protocol.


Mag-iisyu ang kagawaran ng memorandum circular sa mga lokal na pamahalaan bunsod ng mga ulat na ilan sa mga ito ay nanghihingi pa rin ng negative swab test result, travel authority at medical certificate sa mga turista.


Sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na kung hindi pa rin susunod ang mga LGUs sa memo ay mag-iisyu ng show cause order laban sa kanila. “They (should) immediately comply para hindi na mauwi sa pag-file ng kaso ng DILG,” dagdag niya.