Covid-19 cases sa PH pumalo sa 607,048

UMABOT sa 3,749 ang mga bagong kaso ng Covid-19 ngayong araw, ang pinakamataas na naitala sa isang araw mula noong Setyembre, kaya pumalo na sa 607,048 ang confirmed cases sa bansa.

Sa huling datos ng Department of Health, nasa 47,769 o 7.9 porsyento ang aktibong kaso.
Sa nasabing bilang, 91.6 porsyento ang mild; 4.4 porsyento ang asymptomatic; 0.77 porsyento ang moderate; 1.6 porsyento ang severe habang 1.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Umabot naman sa 63 ang napaulat na nasawi habang 406 ang gumaling.

Noong nakaraang Setyembre 19 ay nairekord ang 3,962 bagong kaso ng nakahahawang sakit.