Gov’t workers tatanggap na ng year-end bonus, cash gift

SIMULA ngayong Nob. 15, tatanggap na ng kanilang year-end bonus at iba pang cash gift ang mga government workers, ayon sa Department of Budget and Management.

Sa isang kalatas, sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, naglaan na ang kanilang tanggapan ng kabuuang P60.5 bilyon para sa year-end bonus at cash gift ng may 1.7 milyon manggagawa sa pamahalaan, kabilang na ang mga uniformed personnel .

May P45.3 bilyon ang inilaan para sa mga civilian government personnel habang P60.5 bilyon naman ang mapupunta sa mga uniformed personnel.