Dalaga kinatay ng ex-BF ng ina

SINAKSAK at napatay ang isang 18-anyos na babae ng dating boyfriend ng kanyang ina sa Biñan City, Laguna nitong Linggo.

Dead on the spot si Jonaflor Gurra dahil sa mga tinamong sugat sa katawan habang nadakip ang salarin, 29, sa follow-up operation ng mga pulis sa Las Piñas.

Ayon sa ulat, naghuramentado ang suspek makaraan niyang mabalitaan na may mga bago nang manliligaw ang ina ni Gurra.

Sumugod ito sa bahay ng ex-girlfriend sa Brgy. Timbao pero nang hindi ito makita ay ang dalaga ang pinagbalingan.

Ayon sa mga kapitbahay, narinig nilang sumigaw ang biktima bago nakitang nagmamadaling tumakas ang suspek.

Nang tingnan nila ang bahay, duguan at wala nang buhay na nakahandusay sa sahig ang biktima.

Nahaharap sa kasong murder ang suspek.