Kiko Pangilinan, Bam Aquino, Chel Diokno pambato ng Liberal Party sa 2025 elections

SIGURADO na ang tatlong pambato ng Liberal Party sa 2025 senatorial elections.

Inihayag ni dating Senador Leila de Lima nitong Huwebes na sigurado na ang pagtakbo sa ilalim ng LP nina dating Senador Kiko Pangilinan at Bam Aquino at ng human rights lawyer na si Chel Diokno.

“The ones who are sure to run in the position are Senator Kiko Pangilinan, Senator Bam Aquino and Dean Chel Diokno, and maybe there are still others,” ayon kay de Lima na siyang tumatayong spokesperson ng partido.

Si Pangilinan ang vice presidential runningmate ni dating Vice President Leni Robredo na tumakbong pangulo nitong 2022 elections.

Nasa ilalim naman ng kanyang ticket sina Aquino at Diokno.