Carmona isa nang lungsod

ISA nang lungsod ang Carmona, Cavite matapos manalo ang ‘yes’ na boto sa isinagawang plebisito nitong Sabado.

Nakakuha ang ‘yes’ vote ng 30,363 samantalang 1,016 ang bumoto ng no.

Umabot sa 53.9 porsiyento o 31,632 ng kabuuang 58,691 registered voters ang lumahok sa plebisito.

Bukod sa Carmona, kabilang sa mga lungsod ng Cavite ay ang Bacoor, Cavite City, Dasmariñas, General Trias, Imus, Tagaytay at Trece Martires.