Boobay ‘buhay na buhay and ready to fight’

MABUTI na ang kondisyon ng komedyanteng si Boobay makaraang himatayin habang rumaraket sa Aparri, Cagayan nitong Martes.

Sa Facebook page ng “The Boobay and Tekla Show,” in-update ni Boobay ang mga fans ukol sa lagay niya.

“Gusto ko lang po iparating sa inyong lahat na ako po’y okay na okay. At nais ko lamang pong pasalamatan ang ating mga minamahal na mga Kapuso, kamag-anak, mga kaibigan na nag-alala. Don’t worry dahil here I am. Boobay, buhay na buhay and ready to fight,” ani Boobay sa video.

“Ayun nga po, tayo ay hinimatay dahil lamang po sa malakas na ilaw po pero ‘wag kayong mag-alala dahil after po noon ay naituloy pa rin namin at napasaya pa rin po namin ang ating mga minamahal na kababayan at Kapuso sa Aparri,” dagdag niya.

Na-stroke si Boobay noong 2016 at isa sa mga resulta nito ang paminsan-minsang pagkawala ng ulirat.