Bong tinanggalan ng apdo: ‘OK lang ako, malakas si Pogi’

NAGPAPAGALING na si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. makaraang sumailalim sa emergency lap chole procedure.

“No hitches. On the road to full recovery,” aniya sa Facebook post.

“Sa mga nagwo-worry, okay lang ako. Malakas si Pogi. Eto nagpapalakas na lang,” aniya naman sa FB Live.

Kwento ng senador, bago siya itakbo sa ospital dahil sa pananakit ng tiyan ay kumain siya ng chicharon bulaklak.

Ang lap chole or Laparoscopic cholecystectomy procedure ay isang operasyon para alisin ang gallbladder.