Bato: Si Carpio ang duwag, di si Duterte

UMATRAS si Pangulong Duterte sa hamon niyang debate kay retired Supreme Court Justice Antonio Carpio dahil ayaw lang niyang bumaba sa level ng nito, giit ni Sen Ronald “Bato” Dela Rosa.


“Ganoon lang ‘yun. Kung ayaw ni President mag-stoop down sa level ni Carpio, bakit mo pipilitin?

Presidente ‘yan, bakit ka makipag-debate? Ano ang makukuha mo diyan,” ani Dela Rosa.


Aniya, gustong-gusto umano ni Duterte na humarap kay Carpio pero pinigilan lang ng mga miyembro ng Gabinete.


“Gusto man ni Presidebt na makipag-debate kung ayaw ng gabinete niya, ‘di na siya makikipagdebate. Gusto niya matuloy debate,” dagdag niya.


May sagot din si Dela Rosa sa #DuterteDuwag na nag-trending sa social media makaraang umayaw si Duterte sa debate at atasan si presidential spokesperson Harry Roque na humalili sa kanya.


Sabii ng senador, si Carpio ang bahag ang buntot dahil tumanggi ito na makipagdebate kay Roque.


Pero sabi ng mga tagamasid, hindi si Roque ang tinanggihan ni Carpio kundi ang mga topic na gusto lang nitong pagdebatehan.